TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw ng Sabado, ika-14 ng Agosto ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

BAWAL ANG WALK-IN alinsunod sa patakaran ng Pamahalaang Nasyunal ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ang mga opisyales po ng barangay ay namahagi ng stubs para sa mga indibidwal na naka iskedyul mabakunahan bukas.

Wala na rin muna tayong bakunahan sa gabi dahil sa kakulangan sa suplay ng bakuna.

Isinasagawa ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa labing-walong (18) school sites. Idaraos ito mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Tig-1,400 doses naman po ang nakalaan sa bawat site.

ILANG MGA PAGLILINAW:

  1. Pwede bang pumunta sa ibang bakunahan na hindi nakalagay sa inyong stub?
  • Hindi po. Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito’y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.
  1. Kahit anong oras ba ay puwede pumunta sa lugar ng bakunahan?
  • Hindi po. ISTRIKTO po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan NGUNIT maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation.
  1. Paano kung hindi kayo puwede sa araw ng bakunahan, puwede ba kayong magpabakuna sa susunod na araw?
  • Depende po ito kung makapagtatakda ng panibagong iskedyul ang inyong barangay.

Sikaping makapunta sa tama ninyong iskedyul sapagkat kada barangay po ay sinisinsin nang maigi ang listahan ng mga magpapabakuna kada araw.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.