TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-24 ng Agosto ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

BAWAL PA RIN ANG WALK-IN VACCINATION sa mga bakunahan sa lungsod. Idaraos po ang pagbabakuna mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Isinasagawa po ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa labing-walong (18) school sites. Tig-1,500 doses po ang nakalaan sa bawat site.

Mayroon ding FIRST DOSE vaccination ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa tatlong (3) community sites. Tig-1,500 doses po ang nakalaan sa bawat site.

Ang mga opisyales po ng barangay ay namahagi ng stubs para sa mga indibidwal na naka iskedyul makatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna.

LAST CALL na po para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na tatanggap ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang MODERNA. Ito’y para lamang po sa mga una nang nabakunahan noong HULYO 1 hanggang HULYO 24, 2021. Isasagawa po ito sa San Andres Sports Complex.

Maaari po ninyong ipakita na lamang ang inyong vaccination ID kung saan nakalagay ang araw ng inyong second dose na pagbabakuna.

Samantala, makatatanggap naman po ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang PFIZER ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang sumailalim sa drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand noong Agosto 3, 2021.

Para sa mga tatanggap ng kanilang second dose, hintayin ang text message mula sa Manila Covax ukol sa inyong iskedyul at lugar ng bakunahan.

ILANG MGA PAGLILINAW:

  1. Pwede bang pumunta sa ibang bakunahan na hindi nakalagay sa inyong stub?
  • Hindi po. Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito’y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.
  1. Kahit anong oras ba ay puwede pumunta sa lugar ng bakunahan?
  • Hindi po. ISTRIKTO po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan NGUNIT maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation (para sa mga tatanggap ng kanilang FIRST DOSE bukas).
  1. Paano kung hindi kayo puwede sa araw ng bakunahan, puwede ba kayong magpabakuna sa susunod na araw?
  • Depende po ito kung makapagtatakda ng panibagong iskedyul ang inyong barangay.

Sikaping makapunta sa tama ninyong iskedyul sapagkat kada barangay po ay sinisinsin nang maigi ang listahan ng mga magpapabakuna kada araw.

Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.