TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-21 ng Agosto ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lungsod.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

HINDI PA RIN IPATUTUPAD ANG WALK-IN VACCINATION sa mga bakunahan sa lungsod. Idaraos po ang pagbabakuna mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Isinasagawa po ang SECOND DOSE na pagbabakuna ng SINOVAC para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong Hulyo 24, 2021 sa labimpitong (17) school sites.

Mayroon ding SECOND DOSE vaccination ng SINOVAC ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na unang nabakunahan sa apat (4) na mall sites (Lucky Chinatown, SM Manila, SM San Lazaro, at Robinsons Manila) sa lungsod noong Hulyo 24, 2021.

Makatatanggap naman po ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang PFIZER sa University of Santo Tomas Gymnasium ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong Hulyo 31, 2021.

Samantala, ang mga nabakunahan ng MODERNA noong Hulyo 24, 2021 na kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups ay makatatanggap naman ng kanilang second dose sa Holy Trinity Academy.

Para sa mga tatanggap ng kanilang second dose, hintayin ang text message mula sa Manila Covax ukol sa inyong iskedyul at lugar ng bakunahan. ISTRIKTONG sundin ang nakatakda na iskedyul at lugar ng inyong bakunahan batay sa text message na inyong matatanggap.

Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.