TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-19 ng Agosto ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

BAWAL ANG WALK-IN alinsunod sa mga patakaran ng Pamahalaang Nasyunal ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Isinasagawa po ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa labing-isang (11) na school sites. Idaraos ito mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Tig-1,800 doses po ang nakalaan sa bawat site.

Ang mga opisyales po ng barangay ay namahagi ng stubs para sa mga indibidwal na naka iskedyul makatanggap bukas ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna.

Makatatanggap naman po ng kanilang SECOND DOSE ng bakunang SINOVAC sa mga sumusunod na vaccination sites ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong Hulyo 22, 2021:

  • DISTRICT 1: Isabelo Delos Reyes Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center)
  • DISTRICT 2: Plaridel Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Ospital ng Tondo)
  • DISTRICT 3: Pedro Guevarra Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Justice Jose Abad Santos General Hospital)
  • DISTRICT 4: Moises Salvador Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Ospital ng Sampaloc)
  • DISTRICT 5: Aurora Quezon Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Ospital ng Maynila)
  • DISTRICT 6: Sta. Ana Elementary School (Para sa mga nakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna sa Sta. Ana Hospital)

Para sa mga tatanggap ng kanilang second dose, hintayin ang text message mula sa Manila Covax ukol sa inyong iskedyul at lugar ng bakunahan bukas. ISTRIKTONG sundin ang nakatakda na iskedyul at lugar ng inyong bakunahan batay sa text message na inyong matatanggap.

ILANG MGA PAGLILINAW:

  1. Pwede bang pumunta sa ibang bakunahan na hindi nakalagay sa inyong stub?
  • Hindi po. Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito’y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.
  1. Kahit anong oras ba ay puwede pumunta sa lugar ng bakunahan?
  • Hindi po. ISTRIKTO po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan NGUNIT maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation (para sa mga tatanggap ng kanilang FIRST DOSE bukas).
  1. Paano kung hindi kayo puwede sa araw ng bakunahan, puwede ba kayong magpabakuna sa susunod na araw?
  • Depende po ito kung makapagtatakda ng panibagong iskedyul ang inyong barangay.
    Sikaping makapunta sa tama ninyong iskedyul sapagkat kada barangay po ay sinisinsin nang maigi ang listahan ng mga magpapabakuna kada araw.

Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.