TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-16 ng Agosto ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

BAWAL ANG WALK-IN alinsunod sa patakaran ng Pamahalaang Nasyunal ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ang mga opisyales po ng barangay ay namahagi ng stubs para sa mga indibidwal na naka iskedyulk mabakunahan bukas.

Isinasagawa po ngayon ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa labing-walong (18) school sites. Nagsimula ito ng 7:00 ng umaga at magtatagal hanggang 7:00 ng gabi. Tig-1,800 doses po ang nakalaan sa bawat site.

Tuloy-tuloy rin ang ating 24/7 na pagbabakuna. Makatatanggap po ng kanilang FIRST DOSE na pagbabakuna sa University of Santo Tomas Gymnasium ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups mula 7:00 ng gabi. 1,500 doses po ang nakalaan sa naturang site.

ILANG MGA PAGLILINAW:

  1. Pwede bang pumunta sa ibang bakunahan na hindi nakalagay sa inyong stub?
  • Hindi po. Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito’y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.
  1. Kahit anong oras ba ay puwede pumunta sa lugar ng bakunahan?
  • Hindi po. ISTRIKTO po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan NGUNIT maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation.
  1. Paano kung hindi kayo puwede sa araw ng bakunahan, puwede ba kayong magpabakuna sa susunod na araw?
  • Depende po ito kung makapagtatakda ng panibagong iskedyul ang inyong barangay.

Sikaping makapunta sa tama ninyong iskedyul sapagkat kada barangay po ay sinisinsin nang maigi ang listahan ng mga magpapabakuna kada araw.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong naka print na waiver form o QR code para sa pagpapatunay.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.