MAHALAGANG ABISO PARA SA LAHAT: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-5 ng Agosto, ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Kasalukuyang isinasagawa ang FIRST DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa Lucky Chinatown, Robinsons Place Manila, at SM Manila.

Gayunman, HINDI na po tatanggap ng mga inbidwal sa mga mall na nabanggit. Ito ay matapos umabot na sa 2,500 ang dumating sa naturang lokasyon para mabakunahan ng first dose.

Kanselado na rin po ang bakunahan sa SM San Lazaro. Ang nasabing hakbang ay ginawa upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko matapos itong dagsain ng mga nagnanais na mabakunahan.

Samantala, tuloy-tuloy rin po ang SECOND DOSE na pagbabakuna sa San Andres Sports Complex at Ramon Magsaysay High School.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.