TINGNAN: Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong gabi, ika-2 ng Agosto ang pagbabakuna ng ikalawang dose ng SINOVAC sa Divisoria, Recto para sa mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay at karne na mula sa Maynila, Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon na nagtatrabaho sa Divisoria Night Market na una nang nabakunahan noong July 4, at July 5, 2021.

Mula 5:00 pm hanggang 5:00 am ang bakunahang ito para sa mga manggagawa at manininda.