Tuloy po ang gobyerno, mga Batang Maynila!

Ikawalong araw na po ng pamamahagi natin ng tig-P4,000 na ayuda mula sa pambansang pamahalan na inilaan para sa mga pamilyang Manilenyo na apektado ng ECQ.

Ang mga kawani ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan ng Lungsod ng Maynila (Manila Department of Social Welfare) mismo ang pumunta at nangasiwa sa distribution areas sa anim na distrito ng lungsod. Mahigpit po nating ipinatutupad ang minimum health protocols sa distribusyon.

May schedule po tayong itinakda sa bawat barangay upang maiwasan ang siksikan. Antabayanan lamang po ninyo ang pagdating ng MDSW staff sa inyong mga komunidad sa susunod pang mga araw para sa distribusyon ng ayuda sa inyong lugar.

Maraming salamat po sa sa buong pwersa ng MDSW na pinangungunahan ni Director Re Fugoso sa inyong maagap na serbisyo at siyempre, sa ating mga kasamang lingkod-bayan sa national government mula sa DSWD, DILG, at DND.

Sama-sama po nating pagtatagumpayan ang pandemyang ito.

Manila, God first! ☝️