TINGNAN: Matiyagang winalis, pinulot, at hinakot ng DPS Team Mandaragat at DPS Baseco Beach Warriors ang bawat piraso ng basura sa kanilang daily clean-up drive sa dalampasigan ng Roxas Boulevard, Manila Yacht Club, at Baseco Beach sa Port Area Miyerkules, Agosto 25.

Araw-araw talaga ang paglilinis sa mga nasabing lugar para hindi maipon ang mga inaanod na basura rito, na karamihan ay mula sa mga karatig-lugar.