TINGNAN: Nagtungo sa Universidad de Manila (UDM) ang mga pedicab at tricycle drivers para kumuha ng ayudang pinansyal mula sa pamahalaang nasyonal kahapon, Lunes, Agosto 23.

Ang mga taga-MDSW ang nangasiwa sa distribusyon ng ayuda at ang mga taga-MTPB ay tumulong sa pagtiyak na maging episyente ang proseso.

Tuloy-tuloy lang po ang distribusyon ng ayudang pinansyal hanggang mabigyan na po ang lahat na nasa masterlist.