TINGNAN: Dumating na ang 150,000 piraso ng Ensure na gatas na ipapamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga lolo’t lola ngayong Lunes, ika-9 ng Agosto.

Ayon kay Punong Lungsod Isko Moreno Domagoso, ang pamamahagi ng gatas ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan na bigyan ng karagdagang proteksyon ang mga matatanda sa gitna ng umiiral na pandemya.

“Sa mga lolo at lola ko, nanay at tatay na senior citizen, may regalo kami sa inyo. Mayroon kayong Ensure ulit. Isang senior, isa. So kung dalawa sila sa bahay, dalawa; kung tatlo sila, tatlo. Ensure Gold para dagdag nutrisyon at proteksyon,” sabi ni Domagoso.

Personal ring pinasalamatan ni Domagoso ang mga kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau at ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa tulong na kanilang ibinigay.