PUBLIC ADVISORY: Nais ipagbigay-alam ng OSPITAL NG TONDO, na ngayong araw, ika-29 ng AGOSTO 2021, na ang ating COVID WARD ay naabot na ang FULL-BED CAPACITY nito.

Kaya aming minumungkahi na kung ang ating nararamdaman ay katulad sa sintomas ng COVID-19 ay agad po tayong kumonsulta sa pinakamalapit na malalaking ospital.

Samantala, bukas at tuloy pa rin ang serbisyo ng ating mga FRONT LINERS sa EMERGENCY ROOM para sa mga karamdamang walang kaugnayan sa Covid-19, gayundin ang TELEMEDICINE HOTLINE para sa mga pasyenteng nais magpakonsulta.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.