Magandang umaga, mga Batang Maynila! Nagpapatuloy po ngayong araw, Agosto 3, ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat: Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 7pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Isasagawa po ang SECOND DOSE na pagbabakuna ng SINOVAC sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong July 5, 2021 lamang. Idaraos ito sa apat na mall sites at 18 school sites.

Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site. Maraming salamat po.Manila, God first! ☝️