TINGNAN: Umarangkada ang pagbabakuna ng ikalawang dosis ng SPUTNIK V ngayong ika-14 ng Hulyo sa Ospital ng Sampaloc para sa mga indibidwal na kabilang sa A1, A2, at A3 priority group.

Kasabay nito, isinasagawa rin ang pagbabakuna sa Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Tondo at Mall Sites.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang printed waiver form o QR code.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa ating ospital. Maraming salamat po!