TINGNAN: Narito ang naging sitwasyon sa iba’t ibang vaccination sites sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-7 ng Hulyo.

Ito’y sa gitna ng magkakasabay na SECOND DOSE vaccination sa mall, community, at school sites. Ilang paalala sa mga magpapabakuna:Hanggang 5pm ang bakunahan ngayong araw.

Hinihikayat namin ang lahat na magtungo na sa ating vaccination sites. Dalhin ang inyong QR code para sa verification.Huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa vaccination site.