TINGNAN: Nagpapatuloy po ngayong araw, ika-9 ng Hulyo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 7pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Magkakaroon ng SECOND DOSE vaccination ng SINOVAC vaccine para sa mga unang nakatanggap ng bakuna noong June 11, 2021. Gaganapin po ito sa apat na mall sites.

Isasagawa rin ang SECOND DOSE vaccination ng PFIZER vaccine para sa seafarers na nabakunahan noong June 18, 2021 sa Palacio de Maynila. Gaganapin po ang kanilang second dose vaccination sa San Andres Sports Complex.

Makakatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng PFIZER ang mga kabilang sa A5 priority group na una nang nabakunahan noong June 18, 2021. Idaraos ito sa pitong community sites.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.