TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw ng Lunes, ika-12 ng Hulyo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 7pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination para sa A2, A3, at A5 priority groups sa 12 school sites.

Makatatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng SINOVAC ang mga kabilang sa A2 at A4 priority groups na una nang nabakunahan noong June 14, 2021. Idaraos ito sa apat na mall sites.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.