TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-23 ng Hulyo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:

Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 7pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination ng mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa anim na LGU hospitals at sa San Andres Sports Complex.

Kasabay nito ay mayroon ding FIRST DOSE vaccination para naman sa mga kabilang sa A2 at A3 priority groups na gaganapin naman sa apat na mall sites.

Makatatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng ASTRAZENECA ang mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups na una nang nabakunahan noong May 14 at May 15, 2021. Idaraos ito sa 18 school sites sa lungsod.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.