TINGNAN: Kasalukuyang namamahagi ng hot meals ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa evacuees mula sa Baseco at Isla Puting Bato na nananatili sa Jose Abad Santos High School at Brgy. 101 Covered Court.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pagpapaala ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manilenyo na mag-ingat at manatiling nakaalerto sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan sa lungsod.