TINGNAN: Inilunsad ngayong araw, ika-31 ng Hulyo ang Drive-Thru Vaccination ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Quirino Grandstand.

Ito’y kasabay ng patuloy na pagpapaunlad ng lungsod sa COVID-19 mass vaccination program nito.

Ang mga babakunahan lamang ay ang mga indibidwal na nakapagpareserba sa na www.manilacovid19vaccine.ph.

Matatagpuan naman sa post na ito ang proseso para sa mga nagnanais na magpareserba ng kanilang slot: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=368634307965927&id=100044580812914.

Pinasalamatan naman ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang masisipag na kawani ng Manila Health Department at ang mga Batang Maynila na patuloy na nagtitiwala sa mass vaccination program ng lungsod.

(Photos by Christian Turingan & K R De Asis / MPIO)