SILIPIN: Inaksyunan po ng ating mga kawani sa DPS District IV ang hinaing ng isang netizen patungkol sa pinutol na patay na puno na nakatambak sa paligid ng Maceda St., Sampaloc ngayong araw.

Batay po sa concern na aming natanggap kahapon, ika-1 ng Hulyo, nakatumpok na putol-putol na malalaking puno ng kahoy ang kanilang nahakot sa nasabing lugar.

Mga mamamayan ng lungsod, ito po ang nagiging resulta ng ating pagtutulungan sa lahat ng oras. Umasa po kayo na kasama niyo ang buong pamahalaang lungsod tungo sa inaasam nating Bagong Maynila!