TINGNAN: Ipinasilip ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Batang Maynila ang bagong Dialysis Center ng Sta. Ana Hospital na isa sa anim na LGU hospitals ng lungsod. Ayon sa Alkalde, layunin ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang medical facilities nito upang matugunan ang iba pang mga sakit habang tuloy-tuloy ang paglaban nito sa banta ng COVID-19.

Ang bagong dialysis center ay mayroong 11 seats at anim na hemodialysis machines, isang ECG machine, suction machine, HEPA filter, ECart with medications, digital wheelchair weighing scale, at mga bagong computer.

Kaya rin nitong kumalinga sa 26 na pasyente kada buwan na sumasailalim sa dialysis nang tatlong beses sa isang linggo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Mayor Isko na magpapatuloy ang LGU Manila sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal lalo na sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon.

(Photos by Christian Turingan / MPIO)