TINGNAN: Sinimulan na ngayong araw, ika-8 ng Hunyo ang COVID-19 vaccination ng Lungsod ng Maynila para sa formal at informal workers o A4 priority group.

Isinasagawa ito sa apat na mall sites — Lucky Chinatown Mall, SM Manila, SM San Lazaro, at Robinsons Place Manila. Tig-750 doses ang inilaan sa bawat mall site.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification. Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.