TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-2 ng Hunyo ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng cash allowances para sa senior citizens sa Lungsod ng Maynila.

Tumanggap ng kanilang allowances para sa January 2020 hanggang December 2020 ang mga lolo’t lola sa District 3.

Alinsunod ito sa City Ordinance 8565 kung saan itinakda ang pagbibigay ng monthly allowance para sa senior citizens, solo parents, at persons with disabilities sa siyudad.

Ayon kay Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, titiyakin ng lokal na pamahalaan na maibibigay sa lahat ng mga senior citizen sa lungsod ang kanilang benepisyo lalo na sa panahon ng pandemya.

Samantala, ang mga kawani mismo ng Pamahalaang Lungsod ang magbibigay ng allowance sa bawat barangay. Mahigpit ding ipinatutupad ang minimum health protocols sa mga lugar kung saan isinasagawa ang distribusyon.

(Photos by Christian Turingan / MPIO)