TINGNAN: Narito ang kasalukuyang sitwasyon sa iba’t ibang vaccination sites sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-23 ng Hunyo.

Ito’y sa gitna ng magkakasabay na deployment ng COVID-19 vaccines sa mall at school sites.

Umabot na rin sa 2,000 na katao ang dumating sa bawat mall site (Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro) ngayong umaga upang mabakunahan ng first dose kaya hindi na po sila tatanggap ng mga karagdagang indibidwal.

Ilang paalala sa mga magpapabakuna:

Hanggang 8pm ang bakunahan ngayong araw Hinihikayat ang lahat na magtungo sa vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Para sa mga nakapag pre-register na ay dalhin lamang ang waiver form o QR code para sa verification. Kung hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang po sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa vaccination site.