Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination sa anim na district hospitals sa lungsod. Tig-300 doses po ang inilaan sa bawat district hospital.

Magkakaroon din ang SECOND DOSE vaccination ng Sinovac vaccine sa dalawang school sites (Isabelo Delos Reyes ES at Ramon Magsaysay HS) para sa mga kabilang sa A1-A3 priority groups na una nang nakatanggap ng bakuna noong May 10, 2021. Tig-350 doses po ang inilaan sa bawat vaccination site.

Kasabay nito, magkakaroon din ng SECOND DOSE vaccination ng Sinovac vaccine ang ating mga kababayang bedridden sa Districts 5, 4, at 6 na una nang nakatanggap ng bakuna noong May 10, 2021.

Bukod dito, mayroon ding SECOND DOSE vaccination ng Pfizer vaccine sa Sta. Ana Hospital (36 doses) para sa mga kabilang sa A1-A3 priority groups na una nang nabakunahan noong May 17, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Kung may comorbidity (nasa edad na 18-59 taong gulang), ipakita ang alinman sa mga sumusunod:

  • Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan)
  • Mga de-resetang gamot (sa loob ng 6 na buwan)
  • Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
  • Surgical o pathology records

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.