TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-30 ng Hunyo, ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA para sa lahat:
Idaraos ang pagbabakuna hanggang 8pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.
Makakatanggap ng kanilang FIRST DOSE ng bakuna ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa 18 school sites. Tig-1,000 doses ng bakuna ang nakalaan sa bawat vaccination site.
Isasagawa naman ang SECOND DOSE vaccination ng SINOVAC vaccine sa mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups na una nang nabakunahan noong June 2, 2021. Idaraos ang pagbabakuna sa apat na mall sites.
Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Kung may comorbidity (nasa edad na 18-59 taong gulang), ipakita ang alinman sa mga sumusunod:

  • Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan)
  • Mga de-resetang gamot (sa loob ng 6 na buwan)
  • Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
  • Surgical o pathology records
    Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.