TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-26 ng Hunyo, ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA para sa lahat:

Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 8pm. Hinihikayat natin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Makatatanggap ng kanilang SECOND DOSE ng SINOVAC vaccine ang mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups na una nang nabakunahan noong May 29, 2021. Idaraos ang pagbabakuna sa 12 community sites mula District 1 hanggang District 6.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.