Magkakaroon ng FIRST DOSE vaccination sa anim na district hospitals sa lungsod para sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities o A1-A3 groups. Tig-300 doses ang inilaan sa bawat vaccination site.
Kasabay nito ay isasagawa rin ang FIRST DOSE vaccination para sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities o A1-A3 groups sa apat na mall sites. Tig-1,500 doses ang inilaan sa bawat sa vaccination site.
Gayundin, isasagawa ang SECOND DOSE vaccination ng AstraZeneca vaccine para sa A1 priority group na una nang nakatanggap ng bakuna noong April 7, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Kung may comorbidity (nasa edad na 18-59 taong gulang), ipakita ang alinman sa mga sumusunod:

  • Medical certificate
  • Mga de-resetang gamot sa loob ng anim na buwan
  • Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
  • Surgical o pathology records
    Dalhin din ang inyong ID. Huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination site.