TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-18 ng Hunyo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA para sa lahat:

Hanggang 8pm ang pagbabakuna. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Isasagawa natin ang pagbabakuna sa ating mga kababayang kabilang sa indigent sector o A5 priority group. Idaraos po ang kanilang FIRST DOSE vaccination sa pitong vaccination sites mula District 1 hanggang District 6.

Magkakaroon din ng FIRST DOSE vaccination para sa A2 at A4 priority groups sa apat na mall sites (Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro). Tig-2,500 doses ang inilaan sa bawat mall site.

Bukod dito, tatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng AstraZeneca vaccine ang mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups sa Ramon Magsaysay High School. Babakunahan ang mga indibidwal na una nang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine noong March 9 to April 8, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.