TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-17 ng Hunyo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

MAHALAGANG PAALALA para sa lahat:

Magsisimula ng 6am ang pagbabakuna at magtatapos sa ganap na 8pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.

Isasagawa natin ang pagbabakuna sa ating mga kababayang kabilang sa indigent sector o A5 priority group. Idaraos po ang kanilang FIRST DOSE vaccination sa pitong vaccination sites mula District 1 hanggang District 6.

Magkakaroon din ng FIRST DOSE vaccination para sa A2 at A4 priority groups sa apat na mall sites (Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro). Tig-2,500 doses po ang inilaan sa bawat mall site.

Narito ang mga mall entrance:

Robinsons Place Manila — Adriatico Entrance
Lucky Chinatown Manila — Lucky Chinatown, Building B
SM City Manila — Carpark Level 6 or 7 through Cinema Entrance
SM San Lazaro — Main Entrance

Bukod dito, tatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng SINOVAC vaccine ang mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority groups sa anim na school sites mula District 1 hanggang District 6. Babakunahan ang mga indibidwal na una nang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine noong May 20, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.