MAHALAGANG PAALALA para sa lahat:

Hanggang 8pm po ang bakunahan ngayong araw. Hinihikayat ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan at para matiyak ang inyong kaligtasan.

Isasagawa po ang FIRST DOSE vaccination para sa A2 at A4 priority groups sa apat na mall sites (Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro). Tig-2,500 doses po ang inilaan sa bawat mall site.

Magkakaroon din ng SECOND DOSE vaccination ng SINOVAC vaccine para sa A1, A2, at A3 priority groups sa 18 school sites mula District 1 hanggang District 6. Babakunahan ang mga indibidwal na una nang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine noong May 18, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.