Narito ang kasalukuyang sitwasyon sa iba’t ibang vaccination sites sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-11 ng Hunyo.

Ito’y sa gitna ng magkakasabay na deployment ng COVID-19 vaccines sa mall at school sites. Ilang paalala sa mga magpapabakuna:Para sa mga nakapag pre-register na ay dalhin lamang ang waiver form o QR code para sa verification. Kung hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang po sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa vaccination site.