TINGNAN: Taos-pusong pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng nagtrabaho upang maitayo ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park.

Binigyang pugay ng Alkade ang lahat ng nagsakripisyo para maisakatuparan ang plano na maitayo sa 344 COVID bed capacity para sa mga mild and moderate cases sa loob lamang ng 52 na araw.

“Sa mga namatayan ng kuko, napaso, natusok ng alambre, nasaludsod ng plywood, napukpok ng martilyo dahil kahit madilim nagtratrabaho pa rin, gusto kong ibahagi sa inyo na tayo ay nagtagumpay. Ang pangako natin 60 days, nagawa natin 52 days!” ani Domagoso.

“If China did it, if Italy did it, Philippines can do it also. Kaya itong bagay na kayo ay naging bahagi ng pagawaing bagay na ito, ay kayo rin ay bahagi ng kasaysayan na magaling ang manggagawang Pilipino. Kaya sa inyong lahat, tanggapin niyo ang taos puso kong pasasalamat. Maraming maraming maraming salamat!” dagdag niya.