TINGNAN: Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paglulunsad ng commemorative stamp bilang pagdiriwang ng ika-450 taon ng pagkakatatag ng lungsod noong Hunyo 24, 2021 sa Manila Post Office.

Kasama sa pagdiriwang si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, PHLPost Postmaster General Norman “Mr. Postman” Fulgencio, Executive Secretary Salvador Medialdea, at Senator Bong Go.

Ang nasabing commemorative stamp ay dinesenyo ni G. Enrico Peña mula sa Department Tourism, Culture and Arts of Manila. Samantala, ang iconic clock tower na ginamit ay mula kay G. James Ambag, mag-aaral sa Pamantasan ng Silangan.

(Photo: Hannah Magante, DTCAM)