TINGNAN: Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, at iba pang mga opisyal mula sa lokal at pambansang pamahalaan ang pagpapasinaya sa Manila COVID-19 Field Hospital ngayong Araw ng Maynila, ika-24 ng Hunyo.

Ang naturang ospital na nasa Burnham Green sa Rizal Park ay may 344 bed capacity na kayang kumalinga sa mild to moderate COVID-19 patients.

(Photos by K R De Asis / MPIO)