IN PHOTOS: Napapanatiling malinis ng DPS Team Mandaragat at DPS Baseco Beach Warriors ang paligid at palibot ng Baywalk, Manila Yacht Club at Baseco Beach Port Area Manila sa pamamagitan ng daily clean-up drive.

Araw-araw nilang winawalis, pinupulot, at hinahakot ang bawat piraso ng basura na makikita sa mga nasabing lugar. Ang mga larawang ito ay kuha po ngayong Lunes, ika-28 ng Hunyo.Pero alalahanin po natin na hindi lang ang DPS Team Mandaragat at DPS Baseco Beach Warriors ang may responsibilidad na mapanatiling malinis ang Baywalk, Manila Yacht Club at Baseco Beach Port Area Manila.

Bawat isa sa atin ay pwedeng tumulong para maging malinis ang Kamaynilaan. Nagsisimula ito sa pagtapon ng basura sa tamang paraan. Magmalasakit po tayo sa ating lungsod.