TINGNAN: Nagpunta ang Kadiwa Rolling Store sa Barangay 52 Zone 4 at Barangay 67 Zone 6 District 1 kahapon, May 24.

Simula Abril 2020 ay umiikot ang Kadiwa Rolling Store dala-dala ang mga murang bilihin para sa mga Batang Maynila.

Katuwang ng Lungsod ng Maynila ang Department of Agriculture, Tinapayan Festival, Dagupan Boneless Bangus, Food Crafters Frozen Products at Taste Buds para sa programang ito na patuloy na sinusuyod ang mga barangay sa Maynila upang makapagdala ng mga pangunahing bilihin sa kani-kanilang mga tahanan.