Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination gamit ang SINOVAC vaccine sa anim na vaccination sites sa lungsod para sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities o A1 to A3 priority groups. Tig-800 doses ang inilaan sa bawat vaccination site.

Kasabay nito ay ang SECOND DOSE vaccination gamit ang ASTRAZENECA vaccine sa para sa mga kabilang sa A1 to A3 priority groups. Idaraos ito sa Sta. Ana Hospital (990 doses) at Ospital ng Maynila Medical Center (1,460 doses).

Bukod dito ay mayroon ding SECOND DOSE vaccination gamit ang SINOVAC vaccine para sa mga bedridden citizens ng lungsod na sumailalim sa home service vaccination noong April 21, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Kung may comorbidity (nasa edad na 18-59 taong gulang), ipakita ang alinman sa mga sumusunod:

  • Medical certificate
  • Mga de-resetang gamot sa loob ng anim na buwan
  • Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
  • Surgical o pathology records

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.