TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-7 ng Mayo ang vaccine rollout ng Sputnik V sa Lungsod ng Maynila para sa medical frontliners (A1 group), senior citizens (A2 group), at persons with comorbidities (A3 group).

Idaraos ang pagbabakuna gamit ang Sputnik V sa Ospital ng Maynila Medical Center at Sta. Ana Hospital.

Para sa mga magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin lang din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.

Patuloy naman ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna na lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.