TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-5 ng Mayo ang second dose vaccination para sa mga indibidwal na kabilang sa A1-A3 groups na una nang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine noong April 7, 2021.

Ang nasabing pagbabakuna ay idaraos sa 18 vaccination sites sa lungsod.

Para sa lahat ng tatanggap ng kanilang second dose ng bakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.