TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-29 ng Mayo ang SECOND DOSE vaccination gamit ang Sputnik V vaccine para sa mga kabilang sa A1-A3 priority groups na una nang nabakunahan noong May 8, 2021.

Idinaraos ito ngayon sa Sta. Ana Hospital at Ospital ng Maynila. Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination site.