Sa pagkakataong ito ay mismong sa mga barangay sa lungsod isasagawa ang pagbabakuna ng Manila Health Department para sa A1-A3 priority groups.

Magkakaroon ng SECOND DOSE vaccination gamit ang AstraZeneca vaccine sa 18 vaccination sites para sa A1-A3 priority groups na una nang nabakunahan noong March 28 at March 29, 2021.

Kasabay nito ay magkakaroon naman ng FIRST DOSE vaccination para sa bedridden citizens ng lungsod sa Districts 1, 2, at 6.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites. Maraming salamat po.