Ongoing ang FIRST DOSE vaccination sa 18 vaccination sites sa lungsod para sa senior citizens at persons with comorbidities o A2-A3 group group. Tig-250 doses ang inilaan sa bawat vaccination site.

Kasabay nito ay makatatanggap din ng kanilang SECOND DOSE ng AstraZeneca vaccine ang mga kabilang sa A1-A3 groups na una nang nabakunahan noong March 27, 2021. Idaraos ang pagbabakuna nila sa Ospital ng Maynila.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Kung may comorbidity (nasa edad na 18-59 taong gulang), ipakita ang alinman sa mga sumusunod:

  • Medical certificate
  • Mga de-resetang gamot sa loob ng anim na buwan
  • Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
  • Surgical o pathology records

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.