TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-18 ng Mayo sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) ang second dose vaccination para sa mga indibidwal na kabilang sa A1-A3 groups na nabakunahan sa Lungsod ng Maynila gamit ang AstraZeneca vaccine noong March 9 at March 23, 2021.

Batay sa ulat ng OMMC, as of 5PM ay nasa 1,700 na katao na ang nakatanggap ng kanilang second dose vaccine shot.

Para sa iba pang tatanggap ng kanilang bakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination site.