TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-17 ng Mayo ang COVID-19 mass vaccination sa Lungsod ng Maynila.

Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination gamit ang SINOVAC vaccine sa 18 vaccination sites para sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities o A1 to A3 priority groups.

Kasabay nito ay magkakaroon din ng SECOND DOSE vaccination gamit ang ASTRAZENECA vaccine sa Ospital ng Maynila Medical Center para sa mga kabilang sa A1 to A3 priority groups na una nang nakatanggap ng bakuna noong March 22, 2021.

Bukod dito ay mayroon ding SECOND DOSE vaccination gamit ang SINOVAC vaccine para sa mga bedridden citizens ng lungsod na sumailalim sa home service vaccination noong April 18 at April 19.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.