Tinatayang nasa 400 doses ang i-dedeploy na bakuna sa Sta. Ana Hospital at Ospital ng Maynila Medical Center habang tig-200 naman sa Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Ospital ng Tondo.

Para sa mga magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Magdala ng ID, magsuot ng face mask at face shield at huwag kalimutan ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.

(Photos from Manila LGU hospitals and K R De Asis / MPIO)