TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-13 ng Mayo ang COVID-19 mass vaccination sa Lungsod ng Maynila.

Isasagawa ang first dose vaccination ngayong araw gamit ang PFIZER vaccine sa Sta. Ana Hospital para sa mga kabilang sa A1 priority group o medical frontliners.

Kasabay nito ay isasagawa rin ang first dose vaccination gamit ang ASTRAZENECA vaccine sa 18 vaccination sites para sa mga kabilang sa A2 priority group o mga SENIOR CITIZENS sa lungsod.

Bukod dito ay makatatanggap naman ng kanilang second dose ng ASTRAZENECA vaccine sa Ospital ng Maynila Medical Center ang mga kabilang sa A1 TO A3 priority groups.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Magdala ng ID, magsuot ng face mask at face shield at huwag kalimutan ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.