TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw, ika-11 ng Mayo ang home service vaccination para sa bedridden citizens ng Lungsod ng Maynila.

Inilunsad ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang home service vaccination program bilang bahagi ng plano ng LGU Manila na maisama lahat ng residente sa pagbabakuna sa siyudad.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Isko ang mga punong barangay sa Maynila na magsumite ng isang listahan ng lahat ng kanilang bedridden citizens.

Hinikayat din ng Alklade ang mga Manilenyo na nais mabakunahan ang kanilang kaanak na bedridden na makipag-ugnayan agad sa barangay upang maisaayos ang kanilang home service vaccination schedule.