TINGNAN: Dumating na sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-19 ng Mayo ang karagdagang 3,000 doses Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa national government.

Ilalaan ang mga nasabing bakuna para sa SECOND DOSE VACCINATION ng mga indibidwal na una nang nakatanggap ng Sputnik V vaccine ngayong buwan.

Muli namang pinasalamatan ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang national government sa kanilang suporta sa Pamahalaang Lungsod sa gitna ng pagharap nito sa pandemya.